Residential building sa Malabon gumuho

Residential building sa Malabon gumuho

December 4, 2022 @ 2:20 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tatlong katao ang napaulat na sugatan matapos gumuho ang isang apat na palapag na residential building sa Malabon City, Linggo ng umaga, Disyembre 4.

Kinilala ang mga sagutang biktima bilang si Rob Tombocon, Francisco Catindoy at Ronalyn Tombocon na agad namang binigyan ng lunas ng mga tauhan ng Philippine Red Cross.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) ala-7 ng umaga nang gumuho ang nasabing gusali sa Orchid Street, Brgy. Longos.

Si Ronalyn umano ang huling na-rescue mula sa nasabing gusali habang ayon sa mga biktima, bago naganap ang pagguho ay nakaramdam umano sila ng pagyanig ng lupa.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente. Boysan Buenaventura