Resiliency ng magsasaka, isinusulong 

Resiliency ng magsasaka, isinusulong 

July 4, 2018 @ 6:40 PM 4 years ago


Manila, Philippines – Dapat maging matatag at handa ang ating mga magsasaka sa pagbabago ng klima, ito ang pahayag ni Sen. Cynthia A. Villar.

Ani Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, direktang apektado ng climate change ang produksiyon ng pagkain, lalo at kabilang ang Pilipinas sa mga bansang higit na tinatamaan ng climate change.

Aniya, mahalagang matutunan ng mga magsasaka ang mga bagong teknik na makatutulong para makaagapay sa climate change.

Sa kasalukuyan, seryoso ang problema sa kakapusan ng pagkain sa buong mundo dahil sa kakapusan ng taniman at patuloy na paglobo ng populasyon.

Tinatayang aabot sa 9 milyon ang populasyon ng mundo sa 2050 kaya dapat umanong dagdagan ang produksiyon ng pagkain sa 60 porsyento

Dagdag pa ni Villar, kailangang matutunan ng mga Pilipinong magsasaka ang
‘sustainable and smart agriculture’ partikular ang climate-resilient agricultural procedures upang matugunan ang lumalagong pangangailangan at mapalaki ang kanilang kita.

Binanggit din niyang hindi kayang sabayan ng maliliit na magsasaka ang mga umuunlad na bansa upang matugunan ang mga kinakailangan ng merkado gaya ng quality produce at delivery ng reliable quantities sa tamang oras.

Kapos umano ang mga magsasakang Pinoy sa technical know-how. (Nenet L. Villafania)