Resiliency ng mga Pinoy ‘di sapat-NDRRMC chief

Resiliency ng mga Pinoy ‘di sapat-NDRRMC chief

December 8, 2022 @ 7:59 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Hindi makakaila ang pagiging likas na matatag o resilient ng mga Pilipino kaya lagi nilang nakakayanan ang mga dumaraang ang mga kalamidad at sakuna na tumama sa bansa, pero hindi ito sapat, ani National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRMC) Chairman at Department of National Defense (DND) Officer in Charge Jose Faustino Jr. sa ginanap na 22nd Gawad Kalasag (GK) Ceremony sa Manila Hotel noong Miyerkules, Dis. 7.

Para kay Faustino, mas mahalaga na alam ng publiko kung paano maghanda at tumugon kapag may dumating na kalamidad.

“Beyond our natural resilience as a people, we have to be scientifically and technically adepth, adequating systems and processes that work. We need to continuously upgrade so that the next time a disaster comes along we are more prepared to respond,” giit niya.

Noong Setyembre, binanggit ng World Risk Report ang Pilipinas bilang bansa na may pinakamataas na panganib ng mga sakuna at kalamidad mula sa 192 na bansa.

Nakakuha ang Pilipinas ng risk score na 46.82 matapos isaalang-alang ang ilang mga salik tulad ng “exposure to natural disasters, vulnerability in terms of susceptibility to their adverse effects, lack of coping capacity to short term, and lack of adaptive capacity in the long term.”

Sa exposure pa lang sa sakuna, ang Pilipinas ay nag-rank sa Top 4 na may score na 39.99, kasunod ng Japan, Mexico, at China.

“Exposure is an element that is outside of our control so it becomes imperative that we continuously improve our nation’s capability to address effectively our vulnerabilities,” dagdag pa ni Faustino. RNT