Reskyu para sa natitirang walong lalaki at coach na na-trap sa isang kuweba sa Thailand, apat na araw pa tatagal

Reskyu para sa natitirang walong lalaki at coach na na-trap sa isang kuweba sa Thailand, apat na araw pa tatagal

July 9, 2018 @ 9:53 AM 4 years ago


 

Mae Sai, Thailand – Ipinaalam ng isang opsiyal sa Thailand, na ang rescue operation sa natitira pang na-trap na walong batang lalaki at sa kanilang soccer coach sa loob ng northern Thailand cave ay tatagal pa ng apat na araw.

Pansamantalang itinigil ng mga awtoridad ang isinasagawang operasyon, ngayon (July 9) upang ibalik ang hangin sa mga tanke na nasa maliit na lagusan ng kuweba.

Kahapon, nasagip na ng mga ekspertong diver ang apat sa 12 na batang lalaki mula sa loob ng kuweba at agad na isinugod sa ospital sa bayan ng Chiang Rai.

Hindi naman pinangalanan ang apat na nailigtas na bata ng mga awtoridad.

Naghahanap pa rin ng paraan ang mga rescuer ng mga posibleng paraan para masagip ang mga bata kahit na nagiging mas delikado at komplikado pa ang itwasyon dahil sa malakas na pag-ulan at pagtaas ng tubig sa kuweba.

Ang grupo ay na-trap sa loob ng kuweba ng mahigit sa dalawang linggo na.

Samantala, isang California tunnel company naman na pinatatakbo ni Elon Musk ay patuloy na naroroon sa kuweba kung saan na-trap ang mga bata at ang kanilang coach.

Sabi ng spokesman para sa Boring Co., ang kanilang kumpanya ay nagpadala ng apat na engineer upang suportahan ang pagliligtas sa mga bata.

Sabi pa ni Musk sa kaniyang tweet nitong Sabado, siya kasama ng kaniyang team mula sa Space X rocket company ay gumagawa ng “tiny kid-size submarine” upang iligtas ang mga bata.

Ngunit sa kasamaang palad, kinagabihan ng araw na iyon ay inanunsiyo niya rin sa twitter na ang kuweba ay sarado na para sa pag-rescue ng mga diver.

“Will continue testing in LA in case needed later or somewhere else in the future,” sabi niya.

Sabi ni Musk, ang submarine na kanilang ginagawa ay sapat ang bigat para mabuhat ng dalawang divers at sakto lamang ang liit para makalusot sa masisikip na lagusan sa kuweba. (Remate News Team)