Reso na nagtatanggol kay FPRRD, normal lang – Remulla

Reso na nagtatanggol kay FPRRD, normal lang – Remulla

February 21, 2023 @ 8:35 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Normal lang ang mga inihaing resolusyon ng ilang mga mambabatas na nagtatanggol kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC), ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla.

“Well, natural, natural,” ani Remulla sa isang ambush interview.

Inilabas niya ang pahayag matapos ihain ni dating Presidente at Senior Deputy Speaker Gloria Arroyo at iba pang mambabatas ng administrasyon ang House Resolution 780, na nagsasaad na ang administrasyon ni Duterte ay “naghatid ng mga kahanga-hangang tagumpay” sa pamamagitan ng giyera sa droga.

Ayon kay Remulla, ang ICC ay isang ā€œpolitical bodyā€ at may mga political agenda na itinutulak.

ā€œBakit ko sinasabi ito? Dahil tayo ay isang bansa na may legal na sistema na maaaring gumana nang mag-isa at gusto nilang kunin ang ilan sa ating mga tungkulin para lang punahin ang paraan ng pamamalakad natin sa ating bansa noon,ā€ dagdag pa ng Justice Secretary.

ā€œHindi ho tama ā€˜yan. Kaya ā€˜yung political agenda na ā€˜yan, we will not bow down to that. Ang mahalaga talaga is that we run our own justice system in this country,ā€ aniya pa.

Ang Pilipinas ay umatras sa Rome Statute, na nagtatag ng ICC, noong Marso 2019 sa panahon ng Duterte administration.

Dahil dito, sinabi ng mga opisyal ng gobyerno na walang hurisdiksyon ang ICC sa Pilipinas. RNT