Reso na nagtatanggol kay FPRRD vs ICC inihain sa Senado

Reso na nagtatanggol kay FPRRD vs ICC inihain sa Senado

February 21, 2023 @ 7:16 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Naghain ng resolusyon sa Senado si Senador Robinhood “Robin” C. Padilla noong Lunes na naglalayong ipagtanggol si dating Pangulong Rodrigo Duterte mula sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) na iginigiit na ang Pilipinas ay may sariling gumagana at independiyenteng justice system.

Sa paghahain ng Senate Resolution 488, hiniling ni Padilla sa kanyang mga kasamahan na suportahan ang kanyang resolusyon na naglalayong “magdeklara ng malinaw na pagtatanggol kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang ika-16 na Pangulo ng Republika ng Pilipinas, sa anumang imbestigasyon o pag-uusig ng ICC.”

Matatandaan na inapurbahan ng malaking kapulungan noong Lunes ang kahalintulad na resolusyon na inihain ni dating Pangulo at ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Binigyang-diin ng House Resolution 780 ang “kahanga-hangang mga nagawa ni Duterte sa pamamagitan ng kanyang walang humpay na kampanya laban sa ilegal na droga, insurhensiya, separatismo at terorismo, katiwalian sa gobyerno at kriminalidad,” na ginagawang “mas mabuti, komportable at mapayapa” ang buhay ng mga Pilipino. RNT