Reso sa pag-arangkada ng canvassing ng Kamara para sa presidente, VP ini-adopt sa Senado

Reso sa pag-arangkada ng canvassing ng Kamara para sa presidente, VP ini-adopt sa Senado

May 23, 2022 @ 11:25 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ini-adopt ng Senado ang Senate Concurrent Resolution 18, na nagbibigay ng awtorisasyon sa Senado at Kamara na i-convene bilang National Board of Canvassers simula sa Martes, upang simulan ang canvassing ng mga boto para sa presidente at bise presidente sa Halalan 2022.

Inaprubahan ng Senado ang panukala na magbibigay ng awtorisasyon sa chamber at sa Kamara na magsagawa ng joint public session simula sa Martes, alas-10 ng umaga sa session hall ng House of Representatives sa Quezon City.

Nadala na ngayong araw ang ballot boxes na naglalaman ng certificates of canvass (COCs) at election returns (ERs) sa Batasang Pambansa complex mula sa Senado.

Dinala ng 11 6×6 military trucks at dalawang armored personnel carriers ng Armed Forces of the Philippines ang ballot boxes bago sumapit ang alas-5 ng madaling araw.

Sakay ng mga truck ang 167 ballot boxes ng COCs at 441 boxes ng ERs, ayon sa ulat nitong Lunes. RNT/SA