Reso sa pagtanggap nina Lorenzana, Sobejana ng Peace Medal ng Indonesia ini-adopt na ng Kamara

Reso sa pagtanggap nina Lorenzana, Sobejana ng Peace Medal ng Indonesia ini-adopt na ng Kamara

January 24, 2022 @ 7:15 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Ini-adopt na ng Kamara ang resolusyong nagpapahintulot kay Defense Secretary Delfin Lorenzana at iba pang military officials na tanggapin ang prestihiyosong award galing kay Indonesian President Joko Widodo.

Si Lorenzana ay ginawaran ni Widodo ng Peace Medal para sa kanyang ‘zealous efforts’ sa pangangalaga ng relasyon ng Philippine-Indonesia at pagreskyu ng Indonesian fishermen sa mga Abu Sayyaf noong Disyembre 2019.

Naunang sinabi ni Zamboanga Sibugay Representative Ann Hofer, chairperson ng House Committee on Foreign Affairs na si Lorenzana ang unang Pilipinong makatatanggap nito galing Indonesia na may consent base sa House Concurrent Resolution 23.

Kasama ring papayagan dito na tumanggap ng nasabing award si Armed Forces chief General Cirilito Sobejana. RNT/FGDC