Resolusyon ng pagkilala kay Susan Roces aprub sa Senado

Resolusyon ng pagkilala kay Susan Roces aprub sa Senado

May 23, 2022 @ 7:01 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Senado  ang isang resolusyon na nagpapahayg ng marubdob na simpatiya at taus-pusong pakikiramay sa pagpanaw ni  Jesusa Purificacion Levy Sonora-Poe, kilala bilang  Susan Roces, na pumanaw noong May 20, 2022 sa edad na 80 taong gulang.

Base sa Senate Resolution No. 1002 na inihain ni  Senate President Vicente Sotto III, inaprubahan na may konsiderasyon sa  Senate Resolution Nos. 1004 at 1005 na inihain naman nina Senador Ramon Bong Revilla, Jr. at Manuel “Lito” Lapid ayon sa pagkakasunod-sunod.

Sinabi ni Sotto sa resolusyon na naging bida si Roces sa 130 pelikula sa buong career sa loob ng 70 taon, na pawang tunay na Filipina at pambansang yaman.

Kahit tinaguriang “Queen of Philippine Movies at kinilala bilang isa sa makapangyarihang mag-asawa sa entertainment industry kasama ang kabiyak na si Fernando Poe Jr., sinabi ni Sotto na may mainit at mabuting puso si Roces.

“(She was) known for her refreshing beauty and sweet personality. She was a loving wife and mother. She wholeheartedly supported the political endeavor of her husband, who unfortunately died on Dec. 14, 2004 and her daughter, who has now become a respectable legislator and one of the leading lawmakers of the country,” ayon kay Sotto.

Pinuri din ni Sotto si Roces at kanyang kabiyak sa kanilang alalahanin sa kalagayan ng manggagawa sa movie industry. Aniya, binasag ng mag-asawa ang matagal nang tradisyon sa hindi pagkakapantay-pantay na trato sa mga bituin at ordinaryong manggagawa sa pamamagitan ng pagpapatuad ng pantay na sistemang opurtunidd sa cast at crew, kaya humakot ito ng respeto at admirasyon sa taong naka-trabaho nila.

“The passing away of a legendary movie star whose invaluable contribution to the Philippine cinema is beyond compare and whose sincerity, warmth, guidance, and kindness had truly touched the hearts of her fellow workers in the film industry, particularly the young actors and actresses who have just began their movie careers, will be mourned by the Filipino people and the nation,” ayon kay Sotto.

Tumanggap si Roces ng maraming papuri at parangal tulad ng Star Awards for Movies “Outstanding Star of the Century Special Awards (Natatanging Butuin ng Siglo)” (2019), ang FAMAS Lifetime Achievement Award (2017), FAMAS Special Award “Iconic Movie Queen of Philippine Cinema” (2015),   Cinema One Originals Digital Film Festival “Cinema One Legend Award” (2009),   FAMAS Huwarang Bituin Award (2004),   Film Academy of the Philippines “Lifetime Achievement Award” (2003),   FAMAS Best Actress for the movie “Gumising Ka, Maruja (1979), at ang FAMAS Best Actress Award for the movie “Maligno” (1978).

“The Philippine Postal Corporation (PHLPost) also honored Roces through the Living Legends Commemorative Stamps on February 25, 2022, along with other achievers in showbiz, sports, the arts and other fields who represented the best in their generations and who extolled their lifetime values of hard work, perseverance and passion.” Ernie Reyes