Resolusyon para sa separate voting sa Cha-Cha, inihain ni SGMA 

Resolusyon para sa separate voting sa Cha-Cha, inihain ni SGMA 

August 7, 2018 @ 1:31 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Inihain na kahapon ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang House Resolution 2056 na nagsusulong para sa separate voting sa Charter Change sa oras na mag-convene na ang Kamara at Senado bilang Constituent Assembly (Con-Ass).

Nakasaad sa resolusyon na ang posisyon ng Senado na nagsusulong ng separate voting ang siya nang susunding sistema ng Kamara para sa pag-amyenda ng 1987 Constitution.

Co-author ni Arroyo sa paghahain ng panukala sina House Majority Rolando Andaya, Bohol Rep Arthur Yap, Ako Bicol Partylist Rep Alfredo Garbin at House Committee on Constitutional Amendments Chairman Vicente Veloso.

Inaasahan ng Kamara na sa oras na maaprubahan ang House Resolution 2056 ay makukumbinsi na ang Senado na simulan ang Cha-Cha.

Hindi umusad ang unang tangkang Cha-Cha ng Kamara matapos hindi katigan ng Senado ang House Resolution No 9 na nagsusulong ng Con-Ass subalit hindi sumasang-ayon sa joint voting.

Nangangamba ang Senado na kung joint voting ay lulunurin lamang ng Kamara ang kanilang boto subalit ngayon ay pumapayag na ang Kamara sa separate voting.

Idinipensa naman ni Veloso ang desisyon ng Kamara na gawin nang hiwalay ang botohan sa Con-Ass.

Ani Veloso ang nasabing desisyon ay “collective view” ng buong mababang kapulungan ng Kongreso kaya maling sabihin na ito ay desisyon lamang ni Arroyo. (Gail Mendoza)