Resolusyon vs PH drug war inihirit ng Human Rights Watch sa UN

Resolusyon vs PH drug war inihirit ng Human Rights Watch sa UN

September 12, 2022 @ 11:42 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Nanawagan ang Human Rights Watch (HRW) nitong Lunes sa member-states ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na mag-adopt ng “strong resolution” sa 51st session nito, bilang tugon sa human rights situation sa Pilipinas kaugnay ng kampanya ng bansa laban sa iligal na droga.

Sa policy paper na isinumite sa UN member-states, sinabi ng HRW na regular pa rin umanong nagaganap ang extrajudicial killings sa “war on drugs” ng pamahalaan ng Pilipinas.

Binanggit nito ang report ng Third World Studies Center ng University of the Philippines na 72 drug-related killings ang naitala mula nang umupos sa pwesto si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Hunyo 30, 2022.

Magugunitang ang predecessor ni Marcos na si Pangulong Rodrigo Duterte, ang nagkasa ng Oplan Tokhang bilang bahagi ng drug war ng administrasyon.

“UN member-states should not be fooled by the baseless claims from the new Philippine government that the rights situation has suddenly improved,” giit ni HRW Geneva director Lucy McKernan.

“Continued UN scrutiny of the Philippines is vitally important because ‘drug war’ killings are still common and police impunity for rights violations remains the norm,” dagdag niya.

Sinabi ng HRW na ang inirerekomenda nitong resolusyon ay dapat makalikha ng expanded human rights monitoring mechanisms at magpatuloy sa UN Joint Program.

Inihirit din nito ang patuloy na pag-uulat ng Office of the United Nations High Commissioner for Human Rights (OHCHR) sa sitwasyon sa bansa.

Dapat din umanong tawagin ang pansin ni Marcos “to unequivocally end the war on drugs and to prioritize accountability for unlawful killings and other abuses,” dagdag nito.

“It should urge the government to form a ‘truth commission’ that will gather testimony from witnesses and victims and their families and make recommendations for achieving justice and ensuring payment of reparations,” pahayag pa ng HRW.

Subalit, nauna nang sinabi ni Marcos na “the Philippines has no intention of rejoining the ICC (International Criminal Court),” at iginiit na mayroon nang sariling imbestigasyon ang bansa sa drug war killings.

Magugunitang kumalas si ang Pilipinas sa Hague-based tribunal’s Rome Statute noong 2018, sa ilalim ng liderato ni Duterte, kung saan epektibo ito noong 2019, matapos magkasa ang ICC ng preliminary probe sa crackdown.

Nanawagan naman ang Pilipinas nitong Huwebes sa ICC na huwag nang ituloy ang imbestigasyon sa drug war, sa rason nito na walang hurisdiksyon ang tribunal.

Batay sa rekord ng pamahalaan, hindi bababa sa 6,200 drug suspects ang napatay sa police operations mula Hukyo 2016 hanggang Nobyembre 2021. Subalit, ilang human rights groups, ang nagsabing ang actual death ay nasa 12,000 hanggang 30,000.

Iginiit ng HRW na naiulat ng OHCHR na sumampa ang death toll sa hindi bababa sa 8,663.

“UN member-states should make sure they don’t drop the ball on the Philippines and instead strengthen the Human Rights Council’s efforts to improve human rights in the country,” paninindigan ni McKernan.

“Filipinos who suffered the most during the Duterte administration are looking to the Human Rights Council to help them achieve justice for themselves and their loved ones,” dagdag niya.

Hinikayat naman ng HRW si Marcos na agad na magsagawa ng mga hakbang upang isaayos ang human rights situation sa bansa. RNT/SA