Resource person ng Senado sa laptop probe, patay na pala

Resource person ng Senado sa laptop probe, patay na pala

September 15, 2022 @ 2:16 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagulat si Senator Francis Tolentino nang malamang patay na pala ang resource person na kanilang inimbitahan sa imbestigasyon ng mamahaling mga laptop sangkot ang Department of Education.

Ayon kay Tolentino, Miyerkules ng gabi, Setyembre 14 niya lamang nalaman na ang inimbitahan nila na si “Atty. Crisologo” ay hindi na makakapunta sa pagdinig dahil patay na ito.

Matatandaan na noong nakaraang linggo sa laptop probe ng Senado, lumitaw ang pangalan ng isang Atty. Jose Crisologo na isa umano sa nag-notaryo ng memorandum of agreement sa pagitan ng Department of Education at ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) kaugnay ng kontrobersyal na P2.4 billion-laptop deal.

“That’s the reason why we requested the presence of the person, a certain Atty. Crisologo from Quezon City who notarized the memorandum of agreement,” ani Tolentino.

“But I was informed last night that Atty. Crisologo can’t be present here today because Atty. Crisologo is already dead. So we’re trying to secure a certified copy of his death certificate and the actual cause of his death,” dagdag pa ng Senador.

Dahil dito ay agaran na nilang aalisin si Crisologo mula sa listahan ng mga taong kailangan dumalo sa imbestigasyon sa oras na matanggap na ng Senado ang death certificate nito. RNT/JGC