Resources para sa South Commuter Railway Project, gagamitin nang maayos – PBBM

Resources para sa South Commuter Railway Project, gagamitin nang maayos – PBBM

October 6, 2022 @ 4:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tiniyak ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na gagamitin nang maayos  ng gobyerno  ang bawat resources para sa  South Commuter Railway Project .

“With the signing of these packages, we demonstrate to our people that we are serious about pursuing large projects for infrastructure to foster growth and revitalize our economy, in spite of the adjustments that we have had to make to compensate for the shocks that the world situation has brought to the Philippines,” ayon sa Pangulo sa isinagawang contract signing para sa  South Commuter Railway Project ng  North-South Commuter Railway sa Laguna.

“Indeed, those efforts will all redound to the fulfillment of a more united and dynamic nation. I join our people in anticipating the eventual progress and completion of this railway project. As your President, I will make sure that every resource that will be used here will be maximized for the success of this entire endeavor,” wika pa ng Pangulo.

Sinabi ng Chief Executive na “the South Commuter Railway Project is expected to contribute in seamlessly transporting passengers from Clark, Pampanga and Calamba City, Laguna, and all the train stations in between.”

Ang  South Commuter Railway Project, kinabibilangan  ng 56 kilometro sa pagitan ng Maynila at Laguna, naglalayong bawasan ang  travel time sa pagitan ng dalawang lugar mula tatlong oras sa isang oras na lamang.

Tinatayang makakapag-accommodate  ito ng 340,000 pasahero kada araw.

Itinuturing na ito ang pinakamalaking Asian Development Bank infrastructure-funded project sa Asya, nagpaabot ng pasasalamat ang Pangulo sa multilateral lender para sa tulong sa Pilipinas.

“Those partnerships are something that we hold very, very valuable, and for that, I once again have to thank them for their continuing interest in the Philippines and their continuing assistance and support and belief in the Philippines and the future of the Philippines,” ang wika ng Pangulo.

“We welcome this development at a time when we are going — and we have used this phrase often — full speed ahead towards modernization and our transport system and we are reclaiming our lives from the COVID-19 pandemic. This is what all of this truly means,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, tinawagan ng pansin ng Pangulo ang  Department of Transportation, ang lahat ng  concerned agencies, local government units, at maging ang partners at iba pang stakeholders,  na tiyakin ang maayos at tapat na implementasyon ng proyekto. Kris Jose