Respondents sa Dacera case ‘di binasahan ng Miranda rights ng pulis

Respondents sa Dacera case ‘di binasahan ng Miranda rights ng pulis

January 14, 2021 @ 10:51 AM 5 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ayon sa limang respondent sa pagkamatay ni Christine Dacera hindi sila binasahan ng Miranda rights ng mga pulis bago idetine o imbestigahan sa insidente.

“Hindi po,” sagot nina Rommel Galido, Clark Rapinan, Valentine Rosales, JP Dela Serna, at Gregorio Angelo De Guzman nang tanungin ni Boy Abunda kung binasahan sila ng Miranda rights sa isang panayam.

Ayon kay Mike Santiago, legal counsel ng mga respondent mahalaga ang pagbasa ng Miranda rights.

“If you will read the statement, ‘yung (police) preliminary statement … it would say there na matapos silang basahan ng kanilang karapatan ayon sa batas, sila’y tinanong, which is basically their Miranda rights,” lahad ni Santiago.

Sa ilalim ng Konstitusyon, kinakailangang basahan ng Miranda rights ang isang suspek bago arestuhin. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...