Respondents sa petisyon vs Marcos’ COC pinagkokomento ng SC

Respondents sa petisyon vs Marcos’ COC pinagkokomento ng SC

May 19, 2022 @ 8:07 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinagkokomento ng Korte Suprema ang lahat ng mga respondent sa petisyong humihiling ng kanselasyon ng certificate of candidacy (COC) ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Kasama ring pinagkokomento sa loob ng 15 araw ang Commission on Elections, ang Senado at ang Kamara.

“Now, therefore, respondents Comelec, Ferdinand Romualdez Marcos Jr., Senate of the Philippines, and the House of Representatives are hereby required to comment on the petition and prayer for temporary restraining order within a period of 15 days from notice hereof,” saad ng Supreme Court (SC).

Noong Mayo 17 nang iakyat ng mga petitioner sa SC ang apela para sa temporary restraining order ng pag-canvass ng Kongreso sa mga boto ni Marcos at pagpo-proklama sa kanya bilang nanalong pangulo ng bansa noong May 9 elections.

Hinikayat din ng mga petitioner ang High Tribunal na patawan si Marcos ng perpetual disqualification sa paghawak ng public office at pagbawalan nang tumakbo sa kahit na pinakamababang elective posisyon.

Una nang nagbabala si Senate President Vicente Sotto III na posibleng magkaroon ng political crisis kung pagbibigyan ng SC ang apelang TRO ng mga petitioner laban sa pagbibilang ng boto ng Kongreso.

“If that happens, we will be courting a constitutional crisis from the fact that Congress can no longer meet after June 3rd,” giit ni Sotto. RNT/ JCM