Ressa abswelto sa P70M tax evasion case

Ressa abswelto sa P70M tax evasion case

January 18, 2023 @ 10:38 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Inabswelto ng Court of Tax Appeals 1st Division si Rappler CEO Maria Ressa sa apat na bilang ng kasong tax evasion.

Kuha ni Danny Querubin

Ang tax evasion case na aabot ng ₱70 million ay isinampa laban kay Ressa noong 2018 ng nakalipas na Duterte administration.

Walang nakitang sapat na ebidensya ang CTA 1st division para panagutin sa kaso si Ressa at ang Rappler’s holding Company ng itaas nito ang kapital sa pamamagitan ng pag-partner sa foreign investors na North Base Media at Omidyar Network.

Magugunita na umabot ng apat na taon ang paglilitis sa tax evasion ng Rappler.

Nagpalabas ang Securities and Exchange Commission ng closure order laban sa Rappler matapos akusahan ng Duterte administration na lumabag ang kumpanya sa batas dahil sa pagiging foreign owned. Teresa Tavares