Ressa, ex-Rappler researcher ‘di pa rin lusot sa cyber libel conviction

Ressa, ex-Rappler researcher ‘di pa rin lusot sa cyber libel conviction

October 11, 2022 @ 3:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang apela ni Rappler chief executive officer Maria Ressa at dating Rappler researcher Reynaldo Santos Jr. na mabaligtad ang hatol ng korte na nagsusulong ng cyber libel laban sa kanila.

Nakasaad sa inilabas na resolution ng CA Fourth Division, na walang merito ang motion for reconsideration ng nina Ressa.

Wala anilang bago sa argumento ng dalawa at naresolba na ng CA ang mga isyus na ipinunto.

Una nang kinatigan ng appellate court ang desisyun ng Manila Regional Trial Court noong 2020 na nagsasabing guilty sina Ressa at Santos ng cyber libel.

Itinakda rin ng CA ang jail term ng dalawa sa anim na taon, walong buwan at 20 araw.

Sina Ressa at Santos ay nananatiling nakakalaya matapos maglagak ng piyansa bago pa man nahatulan.

Nag-ugat ang kaso sa 2012 article ng Rappler na nag-uugnay sa negosyanteng si Wilfredo Keng sa human trafficking at drug smuggling batay umano sa intelligence report. Teresa Tavares