Ressa pinayagan ng SC bumiyahe abroad

Ressa pinayagan ng SC bumiyahe abroad

March 15, 2023 @ 5:20 PM 6 days ago


MANILA, Philippines – Pinayagan ng Supreme Court ang veteran journalist na si Maria Ressa na lumabas ng bansa para dumalo sa mga speaking engagements.

Sa Resolution ng SC First Division, inaprubahan nito ang Fourth Motion for Permission to Travel Abroad ni Ressa sa ilalim ng mga kundisyon.

Sinabihan ng SC si Ressa na huwag suwayin ang subjudice rule at iwasan na talakayin sa publiko ang kinakaharap na kaso.

Inatasan rin si Ressa na maghain ng cash bond na P100,000.

Kinakailangan din na sulatan ni Ressa ang korte sa kaniyang pagbabalik sa Pilipinas limang araw bago ang kanyang pagdating.

Si Ressa ay umapela sa SC na makapunta sa Estados Unidos Canada, France at South Korea, mula Marso hanggang Abril 1, 2023 para magbigay ng mga talumpati. Teresa Tavares