Resto papayagang mag-operate hanggang 11 p.m. – DTI

Resto papayagang mag-operate hanggang 11 p.m. – DTI

July 20, 2020 @ 1:33 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinapayagan na ang mga restaurant na magbukas at tumanggap ng dine-in customers hanggang alas-11 ng gabi simula bukas, July 21, batay sa bagong implementasyon mula sa Department of Trade and Industry.

Nakasaad sa DTI Memorandum Circular 20-39 na pinapayagan na ang food establishments na mag-operate hanggang 11 p.m. sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine at modified general community quarantine.

“All restaurants and fast food businesses shall be allowed to operate until 11 p.m. Thus, LGUs are enjoined to adjust curfew hours up to 12 midnight to allow greater daily turnover of dine-in services and enhance income opportunities for workers,” lahad sa kautusan.

Giit ni Trade Secretary Ramon Lopez, makatutulong ito upang madagdagan ang sweldo ng mga manggagawa.

Pinapayagan na rin ang mga establisimyento na magsilbi ng alak sa mga customer ngunit dalawang serving lamang kada indibidwal. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...