Restriksyon sa Singapore vs COVID-19 paluluwagin na

Restriksyon sa Singapore vs COVID-19 paluluwagin na

April 23, 2022 @ 2:45 PM 2 months ago


SINGAPORE – Aalisin na ng Singapore ang karamihan sa mga restriksyon nito laban sa COVID-19 simula sa Abril 26 at magluluwag na rin sa pagpasok ng mga biyahero, ayon sa health ministry nitong Biyernes, bilang tugon sa pagbaba sa arawang bilang COVID-19 infections.

Kabilang dito ang pagtatanggal sa limit ng group sizes at pagpayag sa pagbabalik ng mg empleyado sa mga opisina, habang binababaan ang alert level sa unang pagkakataon nang magsimula ang pandemya.

Inanunsyo rin ng mga awtoridad ang pagtanggal sa requirement para sa mga bakunadong indibidwal na sumailalim sa COVID test bago umalis ng Singapore.

“With these changes, we can now have a well deserved breather, after two very difficult years of fighting the virus,” pahayag ni Lawrence Wong, finance minister at co-chair ng coronavirus taskforce ng pamahalaan.

“But let’s always remember, we are getting closer to the finish line, but the race is not over and the pandemic is certainly not over,” paalala niya.

Mananatili naman ang ilang alituntunin gaya ng mandatoryong pagsususot ng face masks sa indoor public settings at sa public transport.

Subalit maghihigpit pa rin sa mga hindi bakunadong indibidwal.

Nabakunahan na ang 93 porsyento ng 5.5 milyong populasyon ng Singapore, isa sa pinakamataas sa buong mundo. RNT/SA