Resulta ng 2022 Fisheries Professional board exam inilabas ng PRC

Resulta ng 2022 Fisheries Professional board exam inilabas ng PRC

October 13, 2022 @ 10:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inilabas na ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Miyerkules, Oktubre 12 ang listahan ng mga nakapasa sa 2022 Licensure Examination for Fisheries Professionals.

Sa 1,966 na kumuha ng pagsusulit, 716 ang matagumpay na nakapasa dito.

Pinangunahan ni Jean Margaret Gelladuga Badong ng Iloilo State College of Fisheries-Main campus at John Rey Fortu Rasgo ng University of the Philippines Visayas sa Iloilo City ang listahan ng mga top-notchers sa naturang board exam na kapwa sila nakakuha ng 86.25%

Sinundan naman ito ni Rove Mae Malupay Doogho ng Davao del Norte State College sa average score na 86%.

Kaugnay dito, nakatakdang ianunsyo ng PRC ang petsa at lugar ng oathtaking ceremony.

Isasagawa naman online ang pagpaparehistro sa pagbibigay ng Professional Identification Card at Certificate of Registration mula Nobyembre 7 hanggang Nobyembre 8.

Matatandaan noong Oktubre 6-7 ay isinagawa ang board exam ng Board of Fisheries sa Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.

“The members of the Board of Fisheries who gave the licensure examination are Westly R. Rosario, Chairman; Catalino R. Dela Cruz, Carlos C. Baylon, Gerald F. Quinitio and Joebert D. Toledo, Members,” anang PRC. RNT/JGC