Resulta ng 2022 Midwife Licensure Exam inilabas na!

Resulta ng 2022 Midwife Licensure Exam inilabas na!

November 11, 2022 @ 9:23 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Mula sa 3,472 examinees, tanging ang 1,768 indibidwal lamang ang nakapasa sa November 2022 Midwife Licensure Examination, ayon sa anunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC).

Ibinigay ng Board of Midwifery ang Licensure exams sa Manila, Baguio, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, Iloilo, Koronadal, Legazpi, Lucena, Pagadian, Pampanga, Rosales, Tacloban, Tuguegarao, at Zamboanga.

Nangunguna ang Cavite State University na may passing rate na 100 porsyento.

Kasama sa iba pang mga nangungunang paaralan ang University of the Philippines School of Health and Sciences – Leyte (97.06 percent), Sultan Kudarat State University – Tacurong (94.59 percent), Davao Medical School Foundation (92.59 percent), University of Northern Philippines – Vigan (90.32 porsiyento), Cordillera Career Development College (90 porsiyento), Mary Chiles College (86.67 porsiyento), Occidental Mindoro State College (84.71 porsiyento), Tagoloan Community College (83.87 porsiyento), at North Luzon Philippines State College – Candon (82.76 porsiyento ).

Si Jonathan Calunsag Gatela Jr. ng University of the Philippines School of Health and Sciences – Leyte ang nakakuha ng pinakamataas na puwesto sa nasabing pagsusulit na may rating na 90.10 percent. Jocelyn Tabangcura-Domenden