Resulta ng Marcos-Xi sea talks masyadong pang maaga – expert

Resulta ng Marcos-Xi sea talks masyadong pang maaga – expert

January 6, 2023 @ 3:10 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Masyado pang maaga para umasa sa resulta ng naging pag-uusap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chinese president Xi Jinping kaugnay ng isyu sa South China Sea.

Ito ang sinabi ni Prof. Jay Batongbacal, isang maritime law expert sa panayam ng ANC nitong Biyernes, Enero 6.

“I think at this stage, since this is the first meeting, it is actually too early to expect any major changes especially on the part of China,” aniya.

“[Chinese President] Xi Jinping has already in a way set long-term plans in motion. It’s not easy for China as well to make adjustments,” dagdag pa nito.

Matatandaan na lumipad pa-China si Marcos nitong Martes, Enero 3 para sa kanyang 3-day state visit sa nasabing bansa upang mas paunlarin pa ang bilateral ties nito sa ikalawang may pinakamalaking ekonomiya sa mundo.

Ani Marcos, nangako si Xi na hahanap ng solusyon upang makabalik ang mga mangingisdang Filipino sa traditional fishing grounds sa pinag-aagawang teritoryo.

Sa kabila nito, sinabi ni Batongbacal na kilala ang China na hindi agad-agad nagpapahinuhod.

“Instead, it is more known for carrying out test, shall we say, or probing any new leadership. That’s why I think it’s too early to expect any results from any talks with China actually,” aniya. RNT/JGC