Resulta ng partial/unofficial count, sumalamin sa mga resulta ng sarbey – OCTA

Resulta ng partial/unofficial count, sumalamin sa mga resulta ng sarbey – OCTA

May 10, 2022 @ 8:44 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sumasalamin sa mga resulta ng mga survey bago ang halalan ang unofficial count ng mga boto, ayon kay University of the Philippines (UP) Political Science professor Ranjit Rye.

Giit ni Rye, sa kanyang nakikita base sa partial at unofficial results ngayon ay tama ang mga surveys na lumabas.

“They turned up reliable again in our current elections, as surveys have been reliable in the past. Mukhang tama yung estimates ng survey companies including OCTA Research,” ani Rye, na siyang Pangulo rin ng OCTA.

Sa partial at unofficial count ng transparency server ng Commission on Elections nangunguna sina dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagkapangulo at kanyang katandem na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Matatandaan na ang magtandem din ang nanguna sa mga sarbey na isinagawa bago ang halalan 2022. Jocelyn Tabangcura-Domenden