Resulta ng Pharma licensure exam inilabas na; Lyceum grad nanguna

Resulta ng Pharma licensure exam inilabas na; Lyceum grad nanguna

July 8, 2021 @ 7:18 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Nanguna ang estudyanteng nagtapos sa Lycuem of the Philippines sa Batangas sa June 2021 Pharmacist Licensure Examinations, batay sa anunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC).

Kinilala itong si Deanne Marizthel Jandra Madrio na may  93.55 rating at naguna mula sa 1,546 successful examinees.

May kabuuang 2,337 Pharmacy graduates ang kumuha ng exam sa Maynila, Baguio, Davao, Lucena, Tacloban ar Tuguegarao noong June 2021.

Samantala, tatlong institusyon naman ang pasok sa top performing schools na may  100 percent ng estudyanteng nakapasa.

Tinukoy rito ang Adamson University, St. Scholatica’s College – Tacloban, at  University of the Philippines – Manila. RNT/FGDC