Resulta ng pilot implementation ng F2F classes i-a-assess ngayong Disyembre

Resulta ng pilot implementation ng F2F classes i-a-assess ngayong Disyembre

December 9, 2021 @ 1:00 PM 10 months ago


Manila, Philippines — Magsasagawa na ng assessmen ang Department of Education (DepEd) ngayong buwan para sa isinagawang pilot implementation ng face-to-face classes sa bansa, batay sa ulat.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, mula isagawa ang pilot study ng in-person classes noong Nobyembre 15, matagumpay ito at walang naitalang nagka-COVID sa mga estudyante.

“Tatapusin na namin itong pilot na ito by December para ma-assess namin ang success. But so far very successful naman,” aniya.

 “Talagang iimplement namin ang tunay na polisiya para sa edukasyon ang blended learning, combination ng digital learning at saka face-to-face.”

 “Malaki ang aming interest na mag open ng face-to-face hindi lang sa mga lugar na walang masyadong tao kundi sa urban areas. We’re thinking largely of NCR, we’re thinking largely also of Region 4A, and the large cities na napakaraming bata ang na-concentrate doon,” dagdag pa nito. RNT/FGDC