Resulta ng VCO trial ilalabas sa ikalawang linggo ng November – DOST

Resulta ng VCO trial ilalabas sa ikalawang linggo ng November – DOST

October 17, 2020 @ 2:01 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inaasahang mailalabas ang resulta ng clinical trials sa epekto ng virgin coconut oil (VCO) laban sa coronavirus disease 2019 sa ikalawang linggo ng Nobyembre, batay sa Department of Science and Technology.

“After today ay ia-analyze na ‘yung data. Siguro second week of November alam na natin kung ano ang finding,” ani DOST Secretary Fortunato dela Peña sa isang panayam.

Layunin ng DOST na magkaroon ng 45 participating patients kung saan ihahalo ang  virgin coconut oil sa kanilang pagkain at 45 iba pa na walang VCO upang makumpara ang resulta.

“Ang hope natin ay yung mga napabilis ang paggaling ay ‘yun nga ang binigyan ng VCO,” ani Dela Peña.

“At saka wala naman siyang harmful effects.”

“‘Yung mga severe cases sa PGH parang dumadalang ang admission. Kahapon isa lang ‘yung kanilang kinausap, hindi pa nag-volunteer,” he said. “Sabi sa akin, madalang ang dating ng pasyente,” lahad pa nito.  RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...