Retiradong guro natagpuang patay sa bukid

Retiradong guro natagpuang patay sa bukid

June 12, 2022 @ 10:40 AM 2 weeks ago


ILOCOS SUR- Isa nang malamig na bangkay ang isang dating guro nang matagpuang nakabulagta sa isang bukid sa Brgy. Pudoc, San Vicente ng lalawigang ito kahapon, Hunyo 11.

Ang biktima ay kinilalang si Vicente Henry Retuta y Pamo, 56, may asawa, magsasaka, retiradong guro, residente ng naturang lugar.

Puno ng putik ang mukha’t katawan,hindi gumagalaw at nakabulagta sa ilalim ng puno ng saging ang biktima nang madiskubre ni Edwin Tamargo, 53, magsasaka, residente rin ng naturang lugar.

Agad na tumawag sa San Vicente Municipal Police Station si Tamargo upang ipagbigay-alam ang kanyang nakita.

Mabilis namang nagpunta sa lugar ang mga miyembro ng San Vicente MPS at sa tulong ni Dr. Amado Viesta, Municipal Health Officer ng RHU ng San Vicente, Ilocos Sur, na nagsagawa ng external examination sa biktima, walang nakitang indikasyon ng trauma o external injury at no resistance of wound on the victim’s body.

Ayon sa pamilya ng biktima, si Vicente ay may history ng Heart Disease.

Hinihinalang nagpunta sa bukid ang biktima para bisitahin ang kanyang mga pananim at habang nasa bukid ay biglang inatake sa puso na ikinamatay nito. Rolando S. Gamoso