Retiradong parak, guro huli ni misis sa aktong pagtatalik!

Retiradong parak, guro huli ni misis sa aktong pagtatalik!

September 11, 2022 @ 3:30 PM 3 weeks ago


DAVAO CITY- Kulungan ang kinasadlakan ng isang retiradong pulis at guro matapos silang mahuli sa aktong nagtatalik ng misis ng una sa loob ng lodging inn nitong Miyerkules sa lungsod na ito.

Nahaharap ngayon sa kasong concubinage at RA 9262 ang suspek na itinago sa pangalan Rudy, retired investigator police habang adultery naman sa kalaguyo nitong guro na itinago sa pangalan Edna.

Batay sa report ng Station 4 Davao City Police, nagtungo sa himpilan ang misis ni Rudy para humingi ng tulong hinggil sa panloloko ng kanyang asawa at guro na nauna na rin niyang inireklamo sa barangay.

Sa ginawang operasyon ng mga awtoridad, nahuli sa akto ang dalawa sa loob ng inn na walang mga saplot at nakakubabaw pa si Rudy kay Edna.

Mabilisan na nagbihis ang mga suspek at dinala sa naturang himpilan ng pulisya.

Pansamantala naman nakalabas ng kulungan si Edna matapos magpiyansa ng halagang P3,000 habang pinagbabayad naman ng P100,000 si Rudy para sa pansamantala nitong kalayaan. Mary Anne Sapico