Retiradong sundalo patay sa saksak ng kainuman

Retiradong sundalo patay sa saksak ng kainuman

April 10, 2022 @ 3:35 PM 3 months ago


TALAVERA, Nueva Ecija – Nasawi ang isang 73-anyos na retiradong miyembro ng Philippine Army makaraang saksakin ng 67-anyos na kainuman nito sa Purok 6, Barangay Bakal Uno ng bayang ito noong Sabado ng gabi.

Kinilala ng Talavera Police ang biktima na si Juanito Dumayas Sr., ng nasabing barangay na idineklarang dead-on-arrival sa Talavera General Hospital ng sumuring doktor.

Naaresto naman ang suspek na nakilalang kapangalan ni 2022 presidential aspirant at dating presidential spokesperson Ernesto Abella, isang helper ng nasabi ring barangay.

Ayon sa pulisya, nasa inuman ang biktima at suspek bandang alas-8 ng gabi noong Sabado nang magkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa na nasaksihan ng kainuman nilang si Ceferino Pangilinan.

Walang anu-ano ay bigla umanong nakakuha ng kitchen knife ang suspek na siya nitong itinarak sa gawing dibdib ng biktima.

Agad na humingi ng tulong si Pangilinan sa mga opisyal ng nasabing barangay na siyang nagsugod sa biktima sa pagamutan at sila rin umano ang umaresto at nagdala sa pulisya sa suspek. Ver Sta. Ana