Retiradong sundalo utas sa riding in tandem

Retiradong sundalo utas sa riding in tandem

January 16, 2022 @ 2:57 PM 7 months ago


CAGAYAN- Hanggang sa ngayon ay blangko pa rin ang kapulisan sa pamamaril ng riding in tandem criminal sa isang retiradong sundalo sa bayan ng Allacapan, Cagayan.

Wala  pang  maiturong  responsable  sa  brutal  na pagpaslang sa retiradong sundalo  na si  Danilo Fombuena,  57-anyos, residente  ng  Zone  6, Matucay, Allacapan sa nabanggit na lalawigan.

Nadatnan  na  ng  mga rumospondeng pulis  na  nakabulagta  ang  biktima  at  naliligo  na  sa  sariling dugo.

Dead  on arrival sa  Municipal  Health Office  ng  Allacapan  ang biktima  kung saan siya  dinala  ng  mga  rumespondeng pulis.

Posibleng matinding galit ng mga hindi pa kilalang suspek sa biktima dahil halos tadtad ng bala ang katawan ng biktima, kung saan ay inubos  ang  isang  magazine ng  kalibre  45  para  lamang  mapatay  si Fombuena.

Narekober  sa crime scene ang  pitong  basyo  at  isang slug  ng  kalibre ng nasabing baril. Rey Velasco