Retired judge Ricardo Puno, Sr., pumanaw na

Retired judge Ricardo Puno, Sr., pumanaw na

July 25, 2018 @ 11:27 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Pumanaw  na sa edad na 95-anyos si Retired judge Ricardo Puno, Sr., ayon sa pamilya ngayong Miyerkules (July 25).

“Today, my dad, Justice Ricardo C. Puno Sr., joined his Creator,” ayon sa anak ni Puno na si former House Deputy Speaker Roberto Puno, sa kaniyang Facebook post.

Wala pa ring inisyal na detalye tungkol sa pagkamatay ng dating judge.

Nagsilbi si Puno ng 22-taon sa publiko, ayon sa kaniyang profile sa Puno & Puno Law Offices, isang law firm na itinayo niya kasama ng kaniyang anak na si Ricardo, Jr.

Unang nagsilbi si Puno bilang judge sa Court of First Instance in 1965, sumunod naman bilang Justice of the Court of Appeals, assemblyman ng Batasang Pambansa at kalaunan ay Minister of Justice.

Gusto sana ng yumaong dating judge na maging pari ngunit tinalukuran niya ito at saka siya pumasok sa Jesuit kung saan nakilala niya ang kaniyang asawa, ayon sa kaniyang anak na si Roberto. (Remate News Team)