Retired Justice Padilla, pumanaw na

Retired Justice Padilla, pumanaw na

August 28, 2021 @ 3:55 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Nagluluksa ang Supreme Court sa pagpanaw ni retired Associate Justice Priscilla Baltazar- Padilla kahapon (Agosto 27).

Si Padilla ang ika-188 Associate Justice ng Korte Suprema at nanilbihan sa hudikatura sa loob ng mahigit dalawang dekada.

Nagsimula si Padilla bilang metropolitan trial court judge noong 1996 hanggang siya ay mahirang bilang Court of Appeals justice at naitalaga mahistrado ng Korte Suprema noong July 16, 2020. Isang buwan lamang nagsilbi sa SC si Padilla dahil humiling na ito ng disability retirement Agosto 2020. Teresa Tavares