Retired Major Gen. Uy bagong BOC Deputy Commissioner

Retired Major Gen. Uy bagong BOC Deputy Commissioner

October 25, 2022 @ 7:20 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nanumpa na sa tungkulin si Retired Major General Juvymax Uy bilang Deputy Commissioner ng Bureau of Customs (BOC) sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Oktubre 20.

Wala pa namang inilalabas na impormasyon ang Palasyo hinggil sa usapin.

Bago ang kanyang pinakahuling appointment, nagsilbi si Uy bilang commander ng 6th Infantry “Kampilan” Division ng Philippine Army. Nangunna rin siya sa mga tropa ng 6ID sa pag-neutralize sa mga lokal na teroristang grupo at komunistang teroristang grupo na nagdudulot ng panganib sa seguridad sa mga mamamayan ng Central Mindanao.

Miyembro ng Philippine Military Academy “Makatao” Class of 1989, si Uy ay nagsilbi bilang Internal Auditor at Assistant Chief of Staff for Intelligence, J2 ng Armed Forces of the Philippines; Commander ng Army Intelligence Regiment at Assistant Chief of Staff for Intelligence, G2 ng Philippine Army; Commander ng Joint Task Force Zamboanga; at, Assistant Division Commander ng 6th Infantry Division, bukod sa iba pang pangunahing posisyon. RNT