Retired SC Justice Carandang, itinalaga bilang PhilJA chancellor

Retired SC Justice Carandang, itinalaga bilang PhilJA chancellor

February 24, 2022 @ 12:03 PM 4 months ago


MANILA, Philippines – Itinalaga si retired Supreme Court Justice Rosmari Carandang bilang chancellor ng Philippine Judicial Academy (PhilJA), judicial education arm ng korte.

Pinalitan ni Carandang si retired SC Justice Arturo Brion.

Sa harap naman ni Chief Justice Alexander Gesmundo nag- oath o nanumpa para sa kanyang tungkulin si Carandang na ginanap sa SC Session Hall, araw ng Miyekules.

Siya ang pangalawang babae na hahawak ng mataas na PhilJA post matapos ang namayapang dating SC magistrate Ameurfina Melencio Herrera.

Si Carandang ay nagretiro noong Enero 9 mula sa hudikatura makaraan ang 30 taon ng serbisyo nito. Kris Jose