Retrieval ops sa bumagsak na pader sa Tagaytay, tuloy pa rin

Retrieval ops sa bumagsak na pader sa Tagaytay, tuloy pa rin

July 12, 2022 @ 3:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Mas maraming mga indibidwal ang pinangangambahang nasawi sa pagpapatuloy ng retrieval operations matapos bumigay ang concrete fence sa Barangay Kaybagal Central sa Tagaytay City nitong Lunes ng gabi, ayon sa mga pulis nitong Martes.

“Sa walo na naging biktima, tatlo po dun ang na-retrieve na. So sa tatlong na unang na-retrieve dalawa po dun ay at isa ay patay na nang madala sa ospital. So lima pa ho ang hindi natin nare-retrieve sa gumuhong pader at ito apat na ho ang bangkay na nakikita namin at seemingly lifeless na po sila wala na pong sign of life,” paglalahad ni city police chief Col. Norman Ranon.

Ayon pa kay Ranon, isa lamang biktima ang nananatiling hindi pa natutukoy.

Kabilang sa dalawang mga nakaligtas ang project engineer na nagalusan lamang mula sa isidente.

Batay sa inisyal na ulat, nagpapahinga ang mga biktima sa barracks ng 3-13 Construction nang bumagsak ang six-meter concrete fence at cement hollow blocks ng Hortaleza Farm bandang alas-6:20 ng hapon dahil sa malakas na ulan sa lugar.

“The biggest challenge for us is that the section that needs to be searched is too big. We cannot simply use a backhoe so we are now using a jackhammer. We have to be careful because the cement might fall further on one of the victims, the missing one, as he might still be alive,” pahayag niya. RNT/SA