Retroactive application ng testing, quarantine protocols para sa int’l arrivals oks na sa IATF

Retroactive application ng testing, quarantine protocols para sa int’l arrivals oks na sa IATF

January 16, 2022 @ 10:30 AM 7 months ago


MANILA, Philippines- Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang retroactive application ng testing at quarantine protocols para sa mga international travelers.

Sa isang kalatas, sinabi ni acting presidential spokesperson Karlo Nograles na inaprubahan ng IATF ang retroactive application ng Resolution 157, na ipinasa nitong Huwebes.

Sa ilalim ng IATF Resolution 157-E,  ang testing at quarantine protocols para sa Green at Yellow List countries ay dapat nang i-apply sa mga paparating sa Pilipinas, “on or before January 13, 2022.”

“Also, the IATF clarified that foreign nationals coming from Red List countries and allowed admission in the country under existing IATF rules may enter the Philippines provided they have valid or existing visas,” ayon kay Nograles.

Aniya, ang pagpasok ng mga ito sa bansa ay “subject” sa immigration laws, rules, at regulations ng Pilipinas.

Nauna nang inanunsyo ni Nograles ang pagbawi ng bansa sa pagbabawal na makapasok sa Pilipinas ang qualified travelers mula Red List countries, o mga lugar na may high risk ng COVID-19 infection.

“Currently, only Filipinos, balikbayan, and those with long term visas are allowed to enter the country,” ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente sabay sabing, “Those holding tourist visas are still not permitted to enter.”

Samantala, tinukoy naman ng Malakanyang na simula sa Pebrero 16, ang lahat ng foreign nationals na pinayagang makapasok ng Pilipinas ay required na magpakita ng pruweba ng full vaccination. Kris Jose