Reunion nina Karla at anak, emosyonal!

Reunion nina Karla at anak, emosyonal!

June 10, 2022 @ 7:20 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Emotions ran high nang sorprseaahin si Karla Estrada ng anak na si Magui Ford.

Winter break kasi sa Melbourne, Australia kung saan ito nag-aaral.

Kuwento ni Momshie Karla aa kanyang vlog, four months ago raw noong magpaalam si Magui para mag-aral sa Land Down Under.

Sa Melbourne University pumapasok ang anak.

Pagtatapat ng TV host, walang araw daw na hindi siya nangungulila sa anak, lalo pa’t babae ito.

Pero ayaw naman daw ni Karla na ipagkait kay Magui ang pagkakataong makakuha ng better education.

Inamin ni Karla na wala raw silang idea na uuwi si Magui.

Ipinakita rin sa vlog ang bonding nilang mag- ina.

Bukod kay Magui, may tatlo pang anak si Karla.

Ito ay sina Daniel Padilla, Jose Carlito at Carmela Ford.

Samantalq, sa halip na bumalik si Karla sa Magandang Buhay ay si Judy Ann Santos ang napisil na pumalit kay Regine Velasquez.

Matatandaang nagpaalam si Karla sa nasabing morning show noong kumandidato siya bilang kinatawan ng Tingog party list.

Hindi nga lang nakapasok si Karla. Ronnie Carrasco III