‘Revenge travel’ dama na ngayong holiday season – PH tourism industry

‘Revenge travel’ dama na ngayong holiday season – PH tourism industry

November 7, 2022 @ 8:24 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nararamdaman na ng Philippine tourism industry ang epekto ng “revenge travel” sa dumaraming bilang ng mga turistang naglalakbay ngayong holiday.

Batay sa ulat nitong linggo, inaasahang aakyat pa ang bilang ng mga turista ngayong Christmas season hanggang sa summer sa susunod na taon.

“‘Yung mga tao ngayon are already there sa pag book ng ticket, sa pag book ng hotel,” ani JR Formilleza ng Philippine Travel Agencies Association.

“Mamamanifest ito dito sa mga nangyayaring mga travel expo in the Philippines na ‘yung foot traffic talaga madami,” patuloy niya.

Inilahad din ni Formilleza ang ilang quarantine hotels na ang lumipat sa pagiging full-time tourist hotels.

LUmuluwag na rin umano ang rekisitos ng tourist destinations, gaya ng Cebu na kinalos na nag swab test requirement para sa mga biyahero ano pa man ang kanilang vaccination status.

“COVID-19 is still here but then if we take precautionary measures if we get vaccinated, I think we can now start traveling again,” giit ni Formilleza. RNT/SA