Revilla, inoperahan!

Revilla, inoperahan!

September 1, 2022 @ 3:33 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sumailalim sa operasyon si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., nitong Miyerkoles sanhi ng ureteral stones.

Dinala si Revilla sa pagamutan dakong alas singko ng madaling araw nitong Miyerkoles dahil hindi matiis na sobrang sakit sa tiyan ayon sa medical bulletin na ipinalabas ng kanyang tanggapan.

“After tests, it was determined that Senator Revilla was suffering from ureteral stones that caused his pain and nausea. He is now in recovery after undergoing a procedure at 2:30 o’clock this afternoon,” ayon sa bulletin.

Sa ginanap na plenaryo, ipinagdasal ni Senate Majority Leader Joel Villanueva si Revilla para sa lalong paggaling nito.

“Maybe just to put on record our sincerest concern and prayers for our dear colleague, Senator Bong Revilla. We can also ask him, Mr. President, to turn off his video camera and we know what he is going through and we are all in agreement, in prayers for his fast recovery,” ayon kay Villanueva.

Naunang inoperahan din si Revilla sa mata nitong nakalipas na buwan. Ernie Reyes