Revilla: Naiuulat na mga kaso ng pandurukot, rape imbestigahan; ‘fearmongers’ parusahan!

Revilla: Naiuulat na mga kaso ng pandurukot, rape imbestigahan; ‘fearmongers’ parusahan!

August 26, 2022 @ 6:06 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inihirit ni Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa Philippine National Police (PNP) na seryosong imbestigahan ang umano’y tumataas na kaso ng mga pandurukot at panggagahasa sa bansa, at sinabing nagdudulot ito ng “widespread panic and fear.”

Sa liham kay PNP chief Rodolfo Azurin Jr. nitong Biyernes, hinikayat ni Revilla ang PNP na beripikahin ang mga ulat na kumakalat sa  social media ukol sa umano’y “increasing abductions of minor children, mostly female, by persons aboard white vans.”

“I urge the PNP to seriously look into these posts that have been widely shared on social media, starting to cause widespread panic and fear,” saad sa liham ni Revilla.

“I likewise urge the police force to investigate similar reports involving rape and sexual assault of hapless women,” dagdag pa nito.

Base sa senador, marami ang sumasangguning mga magulang sa kanyang opisina na naghahayag ng pagkabahala ukol sa seguridad ng kanilang mga anak, lalo na at nag-umpisa na ulit ang face-to-face classes.

“We must be certain as to the truth or falsity of these reports,” sabi ni Revilla. “We must allay the fears of our people and get to the root of these reports.”

“We must ensure that no unnecessary worry is spread among the public as we guarantee the safety of the people.”

Hiniling din ni Revilla sa PNP na magsumite ng summary reports sa status at mga aksyon ng kapulisan sa mga naiuulat na insidente.

Nauna nang sinabi ni PNP spokesperson Jean Fajardo na walang pattern ang mga pandurukot na naiuulat kamakailan. RNT/SA