Revilla tumulak sa Cagayan para magbigay-tulong sa mga biktima ni ‘Neneng’

Revilla tumulak sa Cagayan para magbigay-tulong sa mga biktima ni ‘Neneng’

October 25, 2022 @ 4:16 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- “Huwag kayong mawalan ng pag-asa hindi sa atin ibibigay ng Panginoon ang pagsubok kung hindi natin kaya.”

Ito ang pahayag ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. makaraang personal niyang dalawin ang mga biktima ng Bagyong Neneng sa iba’t ibang bayan ng Cagayan na dinalhan niya ng tulong, Family Food Packs at relief goods.

Maluha-luha ang mga residente habang nagsasalita si Revilla habang hawak-hawak nila ang mga relief goods na pinamahagi ng Senador dahil malaking tulong umano ito sa pananatili sa evacuation center.

Idinagdag pa ni Revilla na hinding-hindi niya pababayaan ang mga taga-Cagayan dahil hindi rin umano siya pinababayaan ng mga ito. Cesar Morales