Revitalized KASIMBAYANAN program inilunsad ng MPD

Revitalized KASIMBAYANAN program inilunsad ng MPD

October 18, 2022 @ 4:45 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inilunsad ng Manila Police District (MPD) ang Revitalized PNP KASIMBAYANAN Program kasama ng sektor ng Simbahan at Pamayanan sa mismong headquarters sa UN, Avenue Ermita, Manila Martes ng umaga.

Sa nasabing aktibidad, lumagda ng Memorandum of Understanding o MOU ang MPD, DILG Manila, at sa hanay ng Simbahan at Pamayanan.

Layon nito na magkaroon ng malasakit, kaayusan, at kapayapaan tungo sa Kaunlaran sa pamamagitan ng at kapwa pagtutulungan ng tatlong sektor para maprotektahan at magkaroon ng mapayapang lungsod ng Maynila.

Ang paglulunsad ng nasabing programa ay alinsunod na rin sa naumpisahan ni PNP Chief Lt. Gen.Rodolfo Azurin Jr, noong siya ay regional director pa lamang at pinalawak nang siya ay naging PNP Chief.

Dumalo rin sa paglulunsad at MOU signing si Manila Vice Mayor Yul Servo sa pangunguna ni MPD Director Brig. Gen. Andre Dizon , ang Grand Imam ng Manila Golden Mosque and Cultural Center at iba pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden