Rex Gatchalian bagong DSWD chief

Rex Gatchalian bagong DSWD chief

February 1, 2023 @ 9:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Valenzuela City Representative Rex Gatchalian bilang kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Base sa Presidential Communications Office, nanumpa si Gatchalian sa harap ng Pangulo nitong Martes.

Dating alkalde ng Valenzuela City, inihayag ni Gatchalian ang pasasalamat sa Pangulo sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad na pamunuan ang DSWD.

“I just took my oath as head of DSWD. Mr. President, thank you for giving me the opportunity to be able to serve the country in a much larger capacity,” pahayag niya.

Dahil dito, magtatalaga ng caretaker para sa kanyang distrito, ayon sa bagong DSWD chief, na kaptid ni Senator Sherwin Gatchalian.

“Please don’t worry. Business as usual. A caretaker will be appointed by the House of Representatives in the coming days,” ani Gatchalian. 

“Valenzuelanos, the services of our Congress and district offices will not change. Tuloy tuloy po ang serbisyo,” dagdag niya.

Sa ilali, ng Republic Act 6645, inaatasan ang Commission on Elections na magkasa ng special election kapag nagkaroon ng bakante sa Senado sa loob ng hindi bababa sa 18 buwan o sa Kamara “at least one year” bago ang susunod na regular election para sa mga miyembro ng Kamara. RNT/SA