Rex Laudiangco itinalagang acting Comelec spox

Rex Laudiangco itinalagang acting Comelec spox

May 7, 2022 @ 8:45 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Tatlong araw bago sumapit ang eleksyon, inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) ang pagtatalaga kay law department director Rex Laudiangco bilang tagapagsalita ng poll body.

Sa ipinalabas na memorandum nitong Biyernes, sinabi ni Comelec chairperson Saidamen Pangarungan na papalitan ni Laudiangco si James Jimenez na kamakailan ay nasangkot sa kanselasyon ng dalawang Comelec debates.  Patuloy na iniimbestigahan ang kontrobersiya. 

Nauna nang irekomenda ni Comelec Commissioner Rey Bulay na palitan si Jimenez kaugnay ng kontrobersiya na naging mitsa ng kanselasyon ng huling presidential at vice presidential debates.

Subalit nilinaw ng opisina ni Pangarungan na si Jimenez ay nananatiling direktor ng Education and Information Department.

Samantala, binati naman ni Jimenez si Laudiangco.

“I heartily congratulate Director John Rex Laudiangco on his designation as Spokesperson of the Commission, and wish him all the best,” pahayag niya.

“For my part, I shall continue to serve as faithfully as I have these past 18 years, with due deference to the will and wisdom of the Commission,” patuloy ni Jimenez. RNT/SA