RFID sticker caravan, umarangkada na sa Maynila

RFID sticker caravan, umarangkada na sa Maynila

October 31, 2020 @ 4:35 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Umarangkada na ang dalawang araw na “Easytrip RFID Sticker Caravan” sa lungsod ng Maynila kung saan dinagsa ang mga ito ng mga motorista upang makapagpakabit ng nasabing sticker para sa cashless transaction sa mga toll plaza.

Ang drive-thru “Easytrip RFID Sticker Caravan” ay gagawin sa Kartilya ng Katipunan na matatagpuan malapit sa Manila City Hall na sinimulan ngayong araw hanggang bukas (Linggo) simula alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Ang ikakabit na RFID sticker ay para sa mga toll plaza ng CALAX, CAVITEX, NLEX, SCTEX at CCLEX.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, ang naturang hakbang ay bilang tulong ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa mga residente nito upang hindi makadagdag sa mga humahabol sa deadline sa itatakdang None Contact at Cashless Transaction sa mga nasabing Toll Plaza.

Sa mga magpupunta sa nasabing caravan, walang dokumento na kailangang dalhin, maghanda lamang ng P200 bilang initial load ng RFID at magdala ng sariling ball pen. Panatilihin din na magsuot ng face mask and face shield.

Ang nasabing drive-thru Caravan ay para lamang sa Class 1 Vehicles (Cars, SUV’s, Passenger vans).  Jay Reyes/Crismon Heramis


  •  
  •  
  •  

Loading...