Rhen, nakasama ang Singaporean actress Michelle Saram, na-starstuck!

Rhen, nakasama ang Singaporean actress Michelle Saram, na-starstuck!

May 7, 2022 @ 2:50 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Naging controversial ang sexy actress na si Rhen Escano mula nang magbida siya sa pelikulang Adan kung saan nakipagpyomyangan siya sa beauty queen-actress na si Cindy Miranda.

Katunayan, hindi lang siya mabenta sa mga barako dahil naging pantasya rin siya ng mga pards at tiboli.

Pati ang mga bagong sexy stars na game sa love scene sa kapwa babae ay bukambibig ang kanyang pangalan na bet na maka-eksena.

Ayon naman kay Rhen, flattered siya dahil hindi siya nawawala sa listahan ng co-sexy stars na gusto siyang makatrabaho.

Ito ay kahit hindi niya personal na kakilala ang mga nagpapantasya siyang maka-do sa pelikula.

Breather namang maituturing ni Rhen na makasama siya sa horror film na Rooftop.

Aniya, para sa kanya, emotionally challenging ang gumawa ng katatakutan dahil hindi niya matimpla kung paano ibibigay ang tamang emosyon ng isang taong natatakot.

May running joke nga raw sila ng co-star na si Marco Gumabao pagdating sa dare ng pagpapaseksi at paggawa ng horror movie.

Anyway, tungkol naman sa pagiging lead cast niya sa international movie na “Sunday”, honored daw siya na makatrabaho ang all-Asian cast kasama ang Vietnamese actor na si Ho Thanh Trung.

Na-starstruck daw siya sa co-star na si Michelle Saram na naging leading lady ng F4 member na si Jerry Yan sa Meteor Garden.

Sobrang professional at bait daw ng nasabing Singaporean actress noong ginagawa nila ang nabanggit na obra ng promising director na si Sean Ng. Archie Liao