Rhian, in-unfollow si Sam, hiwalay na sa jowa?

Rhian, in-unfollow si Sam, hiwalay na sa jowa?

December 29, 2022 @ 9:23 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Naging palatandaan na among celebrity couples who are going through rough times in their relationship ang pag-unfollow nila sa isa’t isa sa social media.

Don’t look now dahil mukhang dumagdag sa humahabang listahan ng mga separated couples sina Rhian Ramos at Rep. Sam Versoza.

“Baka nga,” ang matipid na sagot ng isang taong malapit sa magkasintahan.

Ang nagsilbing telltale sign na hiwalay na ang dalawa ay ang pag-unfollow nila sa isa’t isa on Instagram.

On Rhian’s IG account ay wala siyang post ng kung anuman tungkol sa mambabatas.

Sa IG account naman ni Sam ay pulos mga litrato ng mga anak nito from a previous relationship ang nakapost.

Bale ba, kelan lang ay niregaluhan ni Sam ang kanyang mga empleyado ng mga mamahaling items, damay siyempre si Rhian na nakakaranas ng pagiging galante ng nobyo.

Ano’t biglang-bigla naman ay maugong ang balitang split na sila.

Isa na si Lolit Solis sa mga nanghihinayang sa balitang ito, considering na masuwerte raw si Rhian for having Sam as a romantic partner and vice versa.

What a time to end a relationship dahil kung kailan Pasko which is supposedly a celebration of love ay saka naman nagkahiwalay ang magkasintahan.

Good thing, may housemate si Rhian sa katauhan ni Michelle Dee who she can rely on emotionally.

Marami tuloy ang curious malaman: anyare, Rhian? Ronnie Carrasco III