Rhian Ramos, nilait sa maitim na kilikili!

Rhian Ramos, nilait sa maitim na kilikili!

September 16, 2020 @ 10:00 AM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines- Inulan ng sandamakmak ng bashers ang isang picture na pinost ng aktres na si Rhian Ramos sa kanyang IG account.

Maluwag ang suot na sleeveless negligee ni Rhian at very obvious na wala siyang bra.

“Stay home day!”

‘Yan ang caption ng post ni Rhian pero mas naka-focus ang mga netizens sa kanyang kapayatan at sa kulay ng kanyang kilikili.

Pansin ng netizen na may pangalang @1chomiglytz17: “Bakit parang ang itim ng kilikili?”

Sagot naman ni @trixdc_: “And there’s nothing wrong with that!”

Sabi naman ni @nksxyy: “‘wag naman po masyadong perfectionist…”

Dagdag na pagtatanggol pa ni @lifesjourney727: “Ako po maitim ang kilikili. Kapintasan ba ‘yun?”

Sinagot naman ito ng nakapansin sa maitim na kilikili ni Rhian: “Iba ang tanong sa pintas. Gets?”

Bukod sa kilikili ay isyu din sa mga followers ni Rhian ang kanyang kapayatan.

May iba pang nagsa-suggest kung ano ang dapat gawin ni Rhian para tumaba.

Sabi ni @yosiboi.anja: “You need to eat more rice. Just saying.”

Comment naman ni @itstheresadee: “‘Wag po masyadong payat. Mas maganda ka po kapag may laman.”

Anyway, sinubukan naming i-zoom in ang picture ni Rhian at totoo ngang medyo may kulay ang kanyang kilikili.

Siguro ay dala lang ito ng lighting o baka naman nagkamali lang siya ng anggulo sa pagkuha ng picture.

Totoo rin ang sinabi ng netizen na payat ngayon si Rhian pero unquestionably, lutang pa rin ang kanyang pretty face. Joey Sarmiento


  •  
  •  
  •  

Loading...