Rhian Ramos, sasabak sa FHM

Rhian Ramos, sasabak sa FHM

October 9, 2018 @ 1:22 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Itatampok bilang FHM muse ngayong buwan ng Oktubre ang aktres na si Rhian Ramos.

Makikita sa digital cover ng naturang mens magazine ang aktres na nakasuot ng itim na cropped top at bikini na pang ibaba habang nakahiga sa bath tub.

Ito na ang ikalawang appearance ni Rhian sa FHM kung saan niya ibabahagi ang kaniyang “industry insights, her creative process, and changing hats behind the scenes.”

“I felt like I had a responsibility to always give my audiences something new – that was when I started building a relationship with my fan club,” ayon kay Rhian sa isang panayam.

Matatandaan na huling itinampok si Rhian sa magazine noong 2017 kung saan niya ibinahagi ang kaniyang ika-10 selebrasyon sa showbiz./Remate News Team